And I Wander

The birds chirp at this side of the world. :)

Protected: BALA (BULLETS)

This content is password protected. To view it please enter your password below:

Advertisements

August 14, 2011 Posted by | Blogroll, introspect, ruminations, tagalog | Enter your password to view comments.

INSTANT

.sylmar.california.usa.

(Feel ko mag-Tagalog kapag nasa US. )

Gusto ko makatanggap ng sulat. Yung snailmail. Kaya lang wala naman may alam ng address ko kundi pamilya ko at ang Smart Telecom na nagpapadala sakin ng bill buwan buwan hahaha. Pero kahit hindi na snailmail. Basta sulat. Sulat-kamay. Mga ideya o mensahe na ipararating sakin sa pamamagitan ng sulat kamay.

Ang romantiko ng ideya no? Kaya lang lipas na ang ganun e.

Tila ata ang mga romantiko ay lumilipas. Kasi kung iisipin mo, ano’ng romatiko sa i love you na pinadala sa pamamagitan ng text? Maliban na lang kung isang tila makata ang mahal mo at sobrang galing nya bumuo ng diwa sa pamamagitan ng salita, aba pwede ka matunaw! Pero tila madalang ako makakita o makaranas talaga ng mga makalumang (!) red roses at greeting cards. Pag tinopak lang siguro ang mga tao. Kasi sa sobra fast-paced ng buhay ngayon, nagiging instant na lang lahat. Instant message, instant mami, instant padala, instant gratification hahaha! … Magpadala ka nlang ng litrato ng bulaklak, katumbas na daw yun ng pagsisikap sa pagbibigay ng totoong mabangong buhay na bulaklak. Hahaha grabe.

Mabuti’t naabutan ko pa ang letter-writing bago ito naging extinct. Uso pa kaya sa St. Scho yun ngayon? Yung sulatan kahit araw araw naman kayo nagkikita at oras oras naman kayo magkausap hahaha! Tapos pagalingan at creative pa ng pagtupi! Nahahasa kami noon sa origami kasi ang stationery tinutupi na hugis diamond o puso o star o boomerang o kahit ano pa ang maisip mo. Ang galing ng kabataan noon!  Napagunita tuloy ako, tila isang malaking basket ng mga sulat ang naipon ko. Naitabi ko pa. Basahin ko kaya ulit ang mga yun. Para lang maranasan ko ulit ang magbasa ng sulat-kamay, hindi yung mga mensahe na nakukuha ko na lang sa mga inbox o comments page ko sa mga accounts ko internet.

Sa tingin ko, ang henerasyon ko ay medyo maswerte dahil nabuhay kami sa transition period ng makaluma at makabago. (Oo lahat naman naluluma e!) Ang ibig kong sabihin, naranasan namin ang mga bagay tulad ng malalaking cellphone, ang telebabad, ang pag-akyat sa puno, ang paglalaro ng habulan o patintero sa ilalim ng buwan, paggawa ng bula galing sa gumamela, ang kwaderno, ang lapis, ang pananaliksik sa silid-aklatan, ang mahabang pila kapag enrollment, ang 2R na litrato na laman ng mga makakapal na pitaka, ang tubig sa gripo na pwedeng inumin, ang diary, ang vinyl records at cassette tapes, ang pag-abang ng pelikula sa sinehan lang, ang pag-abang ng replays sa telebisyon, ang pamamasyal sa luneta (Oo, dati namamasyal pa kami dun at naglalaro pa ng badminton nina mommy at daddy!) at madami pang iba… At ngayon nararanasan din namin ang text, ang blogs, ang search engines, ang mineral water at energy drinks, ang friendster, ang facebook, ang email, ang laptop, ang Photoshop, ang Xbox, ang paglaro ng habulan sa internet o online games, ang ipod at pagdownload ng mga musika, ang dvds, ang mga series sa youtube, ang mga naglalakihang malls at madami pa ring iba.

May pros & cons pareho. Pero mas gusto ko talaga yung dati. Oo, old school talaga ako. Sa pakiramdam ko kasi’y mas buhay ako. Mas nakakalanghap ng hangin, mas nakakaamoy ng bulaklak, mas nakakapagrelax.

Parang wala na kasing pahirapan ngayon, madali na lang lahat.

Kung madali lahat ngayon, saan na kaya umeeffort ang mga tao?

Ah siguro sa mas “makabuluhang bagay”. Ano ba ang makabuluhan ngayon sa mga to? Alam ba nila?

Wish ko lang.

Change. Pagbabago. Yun lang ang permanent e, ika nga.

Lahat ba nakakahabol sa pagbabago?

Ay, parang ayoko maghabol.

Sakto na sa akin ang ganito, kung ano lang andyan, makikibagay ako pero hindi ako magpupumilit maging high-tech ang telepono ko, magkaroon ng SLR o mag-upgrade ng laptop ko. (Kung tutuusin, lahat ata ng gadgets ko libre o pamana lang. Hihihi!)

Hayaan ko nlang itong modernong pagbabago sa iba, sa anak ko.

Pero pag lumaki ang anak ko, susulatan ko sya. Magsusulatan kami.  Tama!

October 17, 2008 Posted by | Blogroll, introspect, learn & unlearn, tagalog, writing | , , , , | 1 Comment

LOL

.sylmar.california.usa.

Napansin ko ang paggamit ko madalas ng LOL. Kase ngayon ko lang nalaman na “laugh out loud” pala ibig sabihin nyan. Hahahaha! Pati IDK, “I don’t know” pala. Nakakaloka. Kahit na updated ako sa teknolohiya, may mga bagay ako na gusto kong manatiling makaluma. Katulad ng pagsusulat. Hindi ko maintindihan kapag ang mga tao ay nagsusulat 2lad ng ghanitoe. Walang pakundangan. Nakakasakit. LOL

Iba pa rin nga ang pakiramdam kapag nagsusulat sa kwaderno (odiba, notebook yan sa Ingles) gamit ang ballpen o lapis. Nahahabag ako sa mga kabataan ngayon, lalo na yung mga may kaya na magkaroon ng “notebook”/laptop sa eskwela. Kahit nga ang pananaliksik sa silid-aklatan , hindi ko maisip na hindi ko gagawin kung sakaling babalik ako sa eskwelahan. Kasi nga lahat, kaya nang makuha sa isang lagitik ng daliri (just one click of a finger). Ang dali lahat. Andyan nlang lahat. Isinusubo na. Ngunguyain na lang.

Pati paggamit ng sariling wika natin, ang pagbastardize nito, at pagiging “secondary” nlang nito sa atin, nakakasakit din. May punto si Conrado de Quiros nung sinabi nya na, yung ibang bansa na dati ay atrasado sa atin sa ekonomiya, inaaral na ang Ingles kasi perpekto na nila ang sarili nilang lenguwahe. Ginagamit nga nila ang sarili nilang wika sa mga pahayagan, pakikipagtalakayan sa telebisyon, kahit mga drayber ng taksi at tindera nila yun ang ginagamit. Kaya ngayon, ang Ingles ay “tool for globalization” na lang nila at secondary na lang na lenguawahe. Nakakahabag isipin na sa atin, hindi ganun e. Wala tuloy tayong sense of identity, kahit magdamit pa tayo mula ulo hanggang paa ng mga kulay bughaw, pula at dilaw na may araw at talong bituin.

Sayang nga, sana, ngayong mas nakikilala ang Pinoy sa buong mundo, maliban sa pagsuot ng kamiseta at sumbrero na nagpapahiwatig ng nasyonalismo, itong mga kabataan ay matutong magsalita ng Tagalog. Hindi tagalog kalye kundi Tagalog na katulad ng ginagamit ni Jose Rizal. Astig siguro yun. Sabi nga ng isang kaibigan ko, kakaiba daw ang tunog ng wika natin kapag mga puti ang nakakarinig. Exotic dawNaalala ko nga minsan, may isang rap artist na lumaki sa Bay Area, Pinoy, na dumalaw sa Pilipinas. Tinanong ko kung nagtatagalog sya. Sabi nya hindi. Kaya pinagtripan ko kausapin sa tagalog. Aba nag-inarte na parang nasasarapan sya. Hahahaha! Mantakin mo yun, Pilipino na yun, gusto ang tunog ng tagalog. Pero hindi naman kasi sya pinalaki ng magulang sa wikang yun kaya ayun, hirap sya pumasok sa entertainment scene sa Pinas. Ingles lang kasi ang alam.

Buti nga din yung mga pamangkin ko dito sa Tate, sa Tagalog pinalalaki. Para paglaki nila dito, bi-lingual sila. Bi-lingual talagaHindi bilingual-bi-lingualan. LOL

 

September 17, 2008 Posted by | Blogroll, tagalog | 1 Comment

PINAY AKO

 

untitled.jpg

February 24, 2008 Posted by | tagalog | , | Leave a comment

MINSAN

.sylmar.california.usa.

there are some expressions that are better said/written in tagalog. they may have direct english equivalent, but sometimes mas masarap sabihin ang mga salita tulad ng malutong magmura at masarap magmahal.

minsan dito
madaming nangyayari na di inaasahan
minsan nasa harap ko na
pilit ko pa rin pinagkakaitan
ng pansin at puna

minsan doon
kinailangan ko pagdaanan
maging katulad ng mga taong
aking kinamumuhian
pilit ipinipikit ang mga mata at tenga
sa bulong at hinagpis ng mga taong
mas nakakaalam

bakit mahirap makinig
sa mga taong malapit
sakin?
tuloy ako’y naluglugmok, nadadapa
pilit bumabangon
ngunit parang nananadya
at naiibigan ko pang madapa
nang madapa
nang madapa…
ng marami beses pa
na madapa

hindi ako matuto-tuto!

hanggang sa kasing baba ko na
silang mga kinasusuklaman ko
haaaay nako.

 

 

pero pagkatapos nitong lahat
masasabi kong paangat nako.
kse wala na akong ikakababa noh!

tinapakan ko na, niyurakan
sarili kong imahen at pagkatao
san ako pupulutin nito?

minsan dito, o doon
may magpapabago sa ating sarili
kapag lahat ay tila pinagdamutan ka
ng kapatawaran at pag-intindi
kapag lahat ay tila pinukol ka
ng panghuhusga at panunutya
kapag wala nang ibang natira
kundi ikaw at ang iyong mga luha

may bubulong at mangangalabit
may yayapos at magpaparamdam
may matitirang isa
na nagmamahal

minsan dyan lang
sa tabi mo..
tatawagin ka Nya at tatanungin,
“tapos ka na bang madapa?”…

hinihintay Nya lang pala
na tumayo ako sa sarili kong paa
upang lumapit sa Kanya
na pilit kong pinagkakaitan
ng pasin at puna
sa pagaakalang kasing lakas ko Sya

pero kailangan ko pala Sya.

kaya kailangang mangyari
ang mga hindi inaasahan
kahit minsan lang..

gods-the-greatest.jpg

October 26, 2007 Posted by | attempt at poetry, introspect, tagalog | , | 2 Comments

   

Sloppy Etymology

"Do we simply stare at what is horrible and forgive it?" - Richard Siken

A Fullness in Brevity - Adam Byatt

Flash Fiction and Other Literary Treats

Full Of Roses Inspirationals

Christian inspirational photography and poetry

%d bloggers like this: